Mga Magaganda at Masasamang Mga Epekto ng Social Media sa Kabataan Ngayon

Sunday, February 21, 2016 Unknown 19 Comments





Simula noong naimbento ang modernong teknolohiya, particular na ang computer at internet, nagkaroon tayo ng mga tinatawag na social media. Ang social media ay mga websites at applications na ginagamit natin upang makapaggawa at makapagbigay ng kontento o di kaya naman ginagamit ito upang makapag - ugnay sa social network.

Ang social networking ay ang pakikipag – ugnayan ng isang indibiduwal sa iba pang mga indibidwal na magkalayo sa isa’t isa sa pamamagitan ng teknolohiya. Ito ay isang bunga ng pagkakaimbento ng mga computer at ng internet. Maganda naman ang gamit ng mga social media katulad ng Skype, Facebook, Messenger, Twitter at iba pa. Ginagamit ito ng nakakarami para sa komunikasyon, tulad ng mga nagtratrabaho bilang OFW. Kahit nasa ibang bansa sila, maaari nilang kausapin ang kanilang mga pamilya.Ang Instagram, Pinterest at iba pa, ay ginagamit upang makapag “upload” ng mga litrato upang malaman ng iba ang iyong mga interes.

 Dahil sa pagkaimbento ng social media, maaari na makipag – usap sa mga kaibigan, kamag – anak, o kapamilya sa abroad o sa mga malalayong lugar. Kahit saan man sila sa buong mundo, dahil ng social media, kaya mo siyang kausapin o i-chat. Nasasabi mo na din kung anu – ano ang nasa loob ng isip mo at mapadadama mo na sa iba ang iyong mga ideya, komento, o mga opinyon tungkol sa isang bagay.


Maaari ka ring magshare ng mga interes mo tulad ng mga kanta, maaari mo itong ipamahagi sa mga kaibigan mo gamit ang social media. Pwede ring mga videos o litrato na sa tingin mo ay nakakatawa o may kakaibang kahulugan sa pang-araw-araw mong buhay. Dahil mayroong social media, kaya mo nang subaybayan ang iyong mga kaibigan kahit wala sila sa tabi mo upang kuwentuhan ka kung ano ang nangyayari sa kanilang buhay. Kahit na magkalayo kayo ay kaya mo pa rin malaman ang mga nangyayari sa kanyang buhay na gusto mong malaman.

Ilan lamang ang mga ito sa mga kabutihang naidudulot ng social media. Marami pang iba.

Subalit, kung may magagandang epekto ang social media, mayroon ding namang masasamang epekto ito. Ngayon kasi maraming kabataan ang naaadik sa paggamit ng mga ito.

Sa gabi maraming kabataan ang napupuyat sa pagggamit ng Facebook. Hindi ito maganda sa mga kalusugan ng mga lumalaking mga kabataang tulad ko. Tuwing natutulog lang tayo lumalaki at tuwing natutulog lang tayo nakakapag pahinga sa mga ginawa natin buong araw.

Social media rin ang may dahilan kung bakit ang ibang mga tao ay binabago nila ang kanilang mga impresyon sa ibang tao. Niloloko nila ang mga kaibigan nila at niloloko nila ang sarili nila. Hindi nila kailangan magbago para lamang sa ibang tao. Ikaw ay maging ikaw.

May mga ilan na masyado silang bukas sa social media at minsan nasasabi nila ang mga hindi na dapat nila sabihin sa publiko. Katulad ng mga sekreto na tila hindi dapat ikinakalat sa mga social media. Nawawalan na sila ng mga privacy at ng personal space. Sa palagay ko, dapat ding tingnan paminsan-minsan ng mga magulang ang mga social media accounts ng mga anak nila, dahil baka hindi na nila alam kung sinu – sino na pala ang kanilang mga nagiging kaibigan. Maaring hindi nila kakilala at biglang sinabi na gustong magkita, mas lalo na mapapahamak ang inyong mga anak.

Hindi na pati lumalabas ang mga kabataan para maglaro ng mga larong kalye tulad ng patintero, batong bata, tumbang lata, at iba pa. Ipingapapalit na nila ito para sa mga online games tulad ng Candy Crush, Cut the Rope, Plants vs Zombies at iba pang mga larong online o kakabit ng kanilang mga social media accounts.

Nakakaapekto rin ito sa pag – aaral. Kapag masyadong maraming oras ang inilaan sa social media, maaaring nakakalimutan na ang mag – aral para sa mga pagsusulit o di kaya sa quiz.

Kapag hindi ito tinutukan ng mga magulang ay palagi na lamang ganito ang buhay ng mga bata. Kaya dapat maging strikto ang mga magulang sa pag – didisiplina ng mga anak.

Kagaya ng mga magagandang benepisyo, iilan lamang itong masasamang epekto ang aking naisulat, marami pang iba. Pero sa huli, palagay ko na ang balanseng paggamit ng social media ay mabuti pa rin. Ang masasamang epekto nito ay maiiwasan kung may sapat na patnubay ng mga magulang ang mga kabataan na gumagamit nito, at gayun na din dapat may sapat na self-control.





_______________________

(Mga larawan ay nagmula sa internet. Dito at dito.)


19 comments:

  1. Bakit naka protcted?.. Dapat hindi yan protected kasi kailangan din yan ng iba para sa mga assignment nila ... Katulad saakin kailangan ko yan para sa project ko

    ReplyDelete
    Replies
    1. Oo nga, kilangan ko rin to as reference for my assignment

      Delete
  2. Tama!
    kasi nawawalan na ng time management ang mga mag Aaral na katulad ko😒
    Imbis na mag aral sa gabi, nag oonline sila sinasayang nila ang kanilang oras sa ibang tao.?

    ReplyDelete
  3. Can /i have this for RRL in our research mam/sir? just to mention you nalang po sa research namin. Thankyou

    ReplyDelete
  4. grabe naman kayo maka comment kayo kaya gawa ng ganito ang hirap kaya buti ngamay nakukuha kayong mga sagot sa katanungan nyo!!!

    ReplyDelete
  5. Can I used this for our research paper,mention ko nlng po kayo sa research.. Thanks po

    ReplyDelete
  6. pwede po maging rrl to for our reasearch paper? thanks po

    ReplyDelete
  7. ano pong apelyido niyo? para po sana ma-cite ko po kayo for our research?

    ReplyDelete
  8. pwede po malaman apelyido niyo para po malagay ko po kayo sa isa sa mga source ko sa research?

    ReplyDelete
  9. pede po ba malaman full name niyo gagamitin po namen para sa research namen... maraming salamat po! :----)

    ReplyDelete
  10. hello po! pede po ba malaman full name niyo para po magamit po namin ito para sa pagsasaliksik po namin sa salik ng Filipino?

    ReplyDelete
  11. Sino ang author nito?? Need lang sa rrl ko po.

    ReplyDelete
  12. need ko po ito sa research ko pwede ko po bang gamiton kung sino man ang author nito? napaka ganda kasi ng mga ideya at iba pa.

    ReplyDelete
  13. ilagay na lang yung website. no choice

    ReplyDelete